SINGAPORE – Itataya ni American mixed martial arts (MMA) superstar Ben “Funky” Askren ang imakuladang record at ang ONE Welterweight World Championhsip kontra sa wala ring talong si Agilan “The Alligator” Thani ng Malaysia sa ONE:

Dynasty of Heroes sa Mayo 28 sa 12,00-seater Singapore Indoor Stadium.

Sa kabila nang mahabang pamamahinga, kumpiyansa ang American fighter na mananaig sa 21-anyos na si Thani.

“It does not matter what my opponent’s strengths and weaknesses are, because at the end of the day, I have got the trump card. He cannot stop my wrestling, which he cannot, then he is going to be on his back, and he is going to get beaten up,” pahayag ni Askren.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Iginiit ni Askren na bentahe niya ang malawak na karansan sa wrestling na nagbigay sa kanyan ng karangalan sa US NCAA Division I national championship, at bilang Olympian sa 2008 Beijing Games.

Itinuturin din si Askren bilang isa sa pinakamahusay sa kanyang division sa MMA tangan ang 15-0 karta.

“Usually, it is just not enough, and by usually, I mean it always is never enough,” aniya.

“He’s young and he’s coming up and he might be great someday, but I keep telling people May 26 is not going to be his day. May 26 is going to be a very tough day in the life of Agilan Thani.”