MAHIGIT 100 na de-kalibreng labanan ang naghihintay ngayon sa bayang sabungero simula 12 ng tanghali para sa 4-cock finals para sa mga umiskor ng 2 – 3.5 puntos sa pagpapatuloy ngayon ng 2017 World Pitmasters Cup2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila, Pasay City.

Kasama sa mga grand finalists na magbabanggaan bukas ang 20 entries na mayroong 4, 4.5 at 5 puntos na pinangunahan ni Arman Santos (CAO Jade Red); ang nag-iisang dumagdag na wala pang talo matapos ang pangalawang araw ng semis.

Sinundan siya ni Paolo Malvar (EP Roosterville PTM) na may 4.5 puntos.

Ang mga dayuhang kalahok na sina Christian Staskow at Chris Castillo mula Hawaii at ang Noisy Boys ng Guam ay malakas pa rin ang laban para sa kampeonato na may tig-apat na puntos bawat isa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang malaking pasabong na ito ay nangyari sa pamumuno nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea sa pakikipagtulungan nina Lando Luzong at Eric dela Rosa.

Sa kapahintulutan ng Games & Amusements Board sa pamumuno ni Chairman Baham Mitra, ang makasaysayang pasabong na ito ay inihatid sa pamamagitan ng mga primerang sponsor na Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Umaasang makakakuha ng apat pang puntos at wala ng malalaglag na laban ang entries na may tig-3.5 puntos na sina Tito Treyes at Andy Lee (Alquen Lagala 3), Nato Lacson/Osang dela Cruz/Mayor James “Tata” Yap (JRJ Goldquest King James LDI-2), EdwinTose (419 NSL Shaq), Gov. Tony Kho (JM/Masbate), Arnold Mendoza (Temecula Creek) at Eric dela Rosa (Diego).

Malakas rin ang tyansa sa labanan ng may tig-3 puntos na sina Pipo Soliman/Cong. Vic Yap/Custer Tiu (PS Hot City VY Oct. 1 5-Stag Tarlac) Mayor Boyet Joson (MBJ June 10 sa NICA 5-Cock Derby), Diloy Go/James Uy (D-1 CPB-JU) Gerry C. Teves (GCT Chanter Alves June 15 6-Cock Binan), Celso Salazar (Tiger Shark) Kap. Ruben Gregorio (RAG Alexandra Davao Matina), Gengen Arayata (Keep the Dream Alive 2), Boyet Plaza (BP) Nato Lacson/Osang dela Cruz/Mayor James “Tata” Yap (JRJ Goldquest King James LDI-1) Tito Treyes & Andy Lee (Alquen Lagala 2), Vice Mayor Mercado/Lito Orillaza (E.S.M. – Jobo), Ka Luding Boongaling (LB Tanawan Warriors JR), Jun Lovendino/JMN/Jepoy/Bong Serrano (RW Kampfer 2) at Arthur Atayde (King Arthur).

Kabilang pa rin sa nakakuha ng 3 puntos sina P.J. Soria (Princess/B Jobo), Padilla Brothers/Edwin Padilla/Dan Padilla (Japon ng San Antonio), Sonny Lagon/Ongkoy Lavado (San Lorenzo 1), Pao Malvar/EP/RJM (RJM/PTM Bacoor), Fiscal Villanueva/Boye Jacinto (La Loma June 20 DWGF Anonas), Mayor Dennis Panganiban/Bicol Group (MDP Bicol Group), Anthony Marasigan (Roosterville MOA Kate 1), NCA (Bog Event NCA May 30), Rene Maglayo/Jay B. Pableo/Joemer Palomaria/John Paul Punzalan/Alquin Sendio (RMJP/WWW.SABONGTAMBAYAN.NET) at Jansoy Lee/Dennis Hain/Richard Perez (Gemini/Riper 2).

Ang kukumpleto sa mga nakapasok na entry ay sina Quintin Mabasa (El Diablo), Nestor Vendivil (Oliver), Nene Abello/Efren Canlas (BG-BW), Mayor Got/Aldo (June 24 4-Cock SRCA Mayor’s League Aldo BM-AS), Atong Ang (AA Cobra 4), Mayor Caesar Dy/Nelson Uy (Natividad NU), Coun. Mark Calixto& Mike Mendoza (JMC Fortuna & JMC GF/4 Lines), Fiscal Villanueva (La Loma Big Event June 20 MBA), American Cris Prater & mayor Elan Nagano (Prater Fork SL), Anthony Lim (Lucban 1), Mr. Lee/Doc Percy Modomo/Joel Ramos (Queen Elizabeth), Hermin Teves/RJM (RJM-HVT-HT3-Why Not-Alegre), Larry Amante/RJM (Fantastic Coliseum JM), Atty. Jun Mendoza (JM), Mayor Neil Lizares/Bong Cardenas (BNL Assault), Eric dela Rosa (Rancheros), Sonny Lagon (Sto. Angel) at Alfred Tsoi/Boknoy (Team Onslaught BM AS June 9 4-Cock sa Pasay/Madscience).