Maghahandog ang Chinese government ng 23,000 piraso ng M4 rifles sa Philippine National Police (PNP) upang mas mapalakas ang law enforcement at internal security operations sa bansa.

Ayon kay Director General Ronald dela Rosa, hepe ng PNP, ipinarating sa kanya ang impormasyon sa kasagsagan ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China kung saan parte siya ng official delegation.

“So we will not buy anymore. China will be giving us and we will accept that because it is free,” ani Dela Rosa.

Gayunman, nilinaw ni Dela Rosa na wala siyang nilagdaang kapalit o kahit kasunduan sa Chinese government kaugnay ng nasabing donasyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Umaasa si Dela Rosa na brand new ang mga rifle na matatanggap ng PNP. Wala pang schedule kung kailan darating ang M4.

Matatandaang kinansela ng United States ang nakatakda sanang pagbili ng Pilipinas ng 27,000 piraso ng rifle dahil sa hindi pagkakaunawaan sa drug war ng kasalukuyang administrasyon. (Aaron Recuenco)