frank berin copy

ANG pinananabikang World Slasher Cup 2, itinuturing pinakaka-prestihiyosong international derby event, ay nakatakdang pumagitna sa Mayo 25 para sa makasaysayang 9-Cock invitational derby sa Smart-Araneta Coliseum.

Tampok ang mga foreign breeder, gayundin ang mga sikat na lokal handler sa torneo na itinuturing “Olympics of Cockfighting”.

Tatangkain ni Frank Berin ng NEJ Sebastian na maduplika ang matikas na kampanya sa Cup 1 kung saan nanginbabaw siya sa 300 kalahok para makamit ang korona sa WSC first edition.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“All the best fighting cocks compete here,” pahayag ni Berin sa panayam ng Pitgames Media.

“You can’t join here if your entry is weak. It is not a joke to fight in the World Slasher Cup. Even foreign participants are here. You have to really prepare for it.”

Kinatigan ni Joey Melendrez, umiskor ng 7.5 sa WSC1 finals, ang pahayag ni Berin.

“I’ve had my Yellow-Leg McLeans and my Green-Leg McLeans for a long time. The World Slasher (Cup) has developed my lines... The birds I used for the fight, their fathers were World Slasher winners from 2007 onwards,” sambuit ni Melendrez.

“If you want to prove how good you are, you come here.”

May bagong format na ipatutupad sa 7-day 2017 World Slasher Cup 2 kung saan kailangan lamang na pumuntos ng dalawa sa elimination upang makausad sa Pre-Finals. Ang mga kwalipikado na may iskor na 2 hanggang 3.5 ay sasabak para sa Finals na noo’t nakalaan lamang sa mga may iskor na 4, 4.5 at 5.

Itinataguyod ng Petron at Thunderbird, sa tulong Pitgames Media, may 200 kalahok na ang nakapagpatala para sa torneo na inaasahang dadagsain ng mga sabungerio mula sa US, Australia, Indonesia at Philippines.