CABIAO, Nueva Ecija - Itinumba ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang dalawang hinihinalang sangkot sa extortion sa Purok 1 sa Barangay Bagong Sicat sa Cabiao, Nueva Ecija, nitong Huwebes ng hapon.

Sa ulat kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, nakilala ang mga biktimang sina Hidleon Hermosura Carino, 50, dating sundalo ng Philippine Army, at taga-Bgy. San Agustin Norte, Arayat, Pampanga; at Michael Mesina Dayao, 45, deputy Bantay Leader ng Bgy. SanVicente, Cabiao, Nueva Ecija.

Ayon sa pulisya, si Carino ay miyembro umano ng gun-for-hire at sinasabing sangkot din sa extortion activities sa Arayat sa Pampanga, at sa Cabiao at San Antonio sa Nueva Ecija.

Si Dayao ay kapatid naman ni Albert Dayao, alyas Kumander Limbas, ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB), na napatay noong 2009. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog