Mga Laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Center)

10 n.u. -- Army vs IEM (men’s)

1 n.h. -- BaliPure vs Perlas

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4 n.h. -- Pocari Sweat vs Power Smashers

6:30 n.g. -- Air Force vs Creamline

TARGET ng BaliPure na mapalawig ang matikas na winning streak sa pagsabak kontra Perlas ngayon sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Matapos walisin ang unang tatlong laro kabilang ang laban kontra defending champion Pocari Sweat Lady Warriors noong Mayo 4 ngayon lamang ulit sasalang ang Water Defenders ni coach Roger Gorayeb .

Gayunman, kumpiyansa pa rin ang mentor na lalaban sila ng husto kontra Lady Spikers.

Ganap na 1 :00 ng hapon ang salpukan ng BaliPure at Perlas na susundan ng tapatan ng Pocari Sweat vs Power Smashers ganap na 4:00 ng hapon bago ang tampok na sagupaan ng Air Force at Creamline ganap na 6:30 ng gabi.

Ang salpukang Power Smashers at Lady Warriors ay simula ng second round ng liga.

Samantala magtutuos ang Instituto Estetico Manila at ang Air Force kung saan tatangkain ng una na masundan ang sorpresa nilang panalo kontra dating walang talong Sta. Elena noong Huwebes ganap na 10:00 ng umaga. (Marivic Awitan)