Boston, angat sa Washington, 3-2.

BOSTON (AP) — Kakaiba ang wisyo ng Celtics sa tuwing nagbubunyi ang crowd sa Boston Garden.

At walang ipinag-iba ang Game 5 nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa impresibong laro ni Avery Bradley sa natipang career-high 29 puntos para sandigan ang Celtics sa 123-101 panalo kontra Washington Wizards para makopo ang 3-2 bentahe sa kanilang Eastern Conference semifinals.

Nag-ambag si Al Horford ng 19 puntos, pitong assist at anim na rebounds, habang kumubra si Isaiah Thomas ng 18 puntos at siyam na assist.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We’re a team. And it’s going to take a team effort to beat the Washington Wizards,” pahayag ni Bradley.

Nakatakda ang Game 6 sa Biyernes sa Washington, kung saan nagwagi ang Wizards sa huling dalawang laro ng serye.

Sakaling makaisa ang Celtics, host sila sa Game 1 ng Eastern Conference Finals laban sa defending NBA champion Cleveland Cavaliers.

Sa do-or-die Game 7, host uli ang Celtics sa Lunes (Martes sa Manila).

Nadomina ng Boston ang tempo ng laro sapat para mahila ang bentahe sa pinakamalaking 26 puntos.

Nanguna si John Wall sa Wizards, hindi pa nagwawagi sa playoff game kontra Boston mula noong 1982, sa naiskor na 21 puntos.

“The great start kind of got us going on both ends of the floor,” sambit ni Bradley.”Tonight we saw if we’re able to start the right way, the game’s in our control.”