STA. MARIA, Isabela - Isang pinaniniwalaang miyembro ng Philippine Guardians Brotherhood, Inc.ang natagpuang patay at sunog sa Barangay San Antonio sa Sta. Maria, Isabela.

Kinilala sa police report ang biktimang si Jerry R. Gaddao, ng Bgy. Santor, Rizal, Kalinga, na nakuhanan ng ID ng Philippine Guardians Brotherhood Inc.-Matatag Chapter sa Rizal, Kalinga.

Napaulat na bandang 9:45 ng umaga nang natagpuan ng isang Paulino Allauigan ang sunog na bangkay ng biktima sa tubuhan. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito