WASHINGTON (AP) – Sinibak ni President Donald Trump si FBI Director James Comey nitong Martes, pinatalsik ang pinakamataas na law enforcement official ng bansa sa gitna ng imbestigasyon ng ahensiya kung may kaugnayan ang kampanya ni Trump sa pangingialam ng Russia sa eleksiyon na nagluklok sa kanya sa White House.
Sa liham kay Comey, sinabi ni Trump na kailangan siyang sibakin upang maibalik ang “trust and confidence” ng publiko sa FBI.
Walang binanggit si Trump kaugnay sa naging papel ni Comey sa imbestigasyon sa mga email ni Hillary Clinton, na sinisisi ng huli sa pagkatalo niya sa halalan.
Ngunit kasabay nito ay naglabas ng memo ang White House na isinulat ni Deputy Attorney General RodRosenstein, na binabatikos ang paghawak ni Comey sa imbestigasyon kay Clinton, kabilang na ang desisyon nitong magdaos ng news conference matapos ianunsiyo ang findings at naglabas ng “derogatory information” tungkol kay Clinton.