BAMBAN, Tarlac - Limang katao ang nasugatan at isinugod sa Ospital Ning Capas matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa highway ng Barangay Anupul sa Bamban, Tarlac, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni PO2 Jovan Yalung ang mga biktimang sina Albert Alcaraz, 27, driver ng Honda Wave motorcycle; Gino Arigos, 26, ng Bgy. San Pedro, Bamban; Domingo Nestor, 50, may asawa, driver ng Toyota Hi-Ace van (AAC-5243), ng Binalonan, Pangasinan; Jayvee Pasbustan, 22, call center agent, ng Bgy. Cristo Rey, Capas; at Emilyn Bognot, 25, call center agent, ng Bgy. Maliwalo, Tarlac City.

Ayon sa imbestigasyon, patungong Mabalacat City, Pampanga ang Honda motorcycle, van, at isang Yamaha Sniper motorcycle nang magkarambola. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog