gayoso copy

MULING nakopo ng Ateneo de Manila ang tropeo matapos ang naitalang 1-0 panalo kontra Far Eastern University sa finals ng UAAP Season 79 men’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium nitong Linggo.

Nakuhang muli ni Jarvey Gayoso ang sariling mintis na bahagyang nasangga ni Tamaraws keeper Ray Joyel sa ika-38 minuto na nagsilbing daan ng kanilang panalo.

“Hindi ako makapagsalita kaagad. Pero I feel na, wow! Another championship,” ayon kay Ateneo coach JP Merida. “We deserve this. I’m so happy.”

Human-Interest

'It's so bad!' Hanging may dalang bacteria, darating sa 2025 sey ni Rudy Baldwin

Naitala ng Blue Eagles ang kanilang ikapitong pangkalahatang titulo na nagbigay naman ng magandang pagtatapos para sa kanilang graduating skipper na si Carlo Liay

“We really worked hard,” ani Liay. “We always have Jarvey ready to score for us and that’s a plus for us.”

Bunga ng kanyang kabayanihan, bukod sa pagiging Best Striker nahirang din si Gayoso, anak ng dating Blue Eagle at Ginebra guard sa PBA na si Jayvee at apo ni dating Ateneo football great Ed Ocampo, bilang tournament MVP.

Sa kabuuan, nagtala ang sophomore striker ng 12 goals ngayong season.

“That’s why I always point to the sky. I offer this to my lolo, my mom and my dad,” sambit ni Gayoso.

Ang iba pang Blue Eagles individual awardees ay sina Jarvis Jordan (Rookie of the Year), AJ Arcilla (Best Goalkeeper) at Jeremiah Rocha (Best Defender).

Si Paolo Bugas, naglaro ng kanyang final game para sa FEU, ay napiling Best Midfielder. (Marivic Awitan)