MUNICH (AP) — Nakamit ni Alexander Zverev ang unang titulo sa sariling bayan nang gapiin ng German star si Argentine qualifier Guido Pella ,6-4, 6-3, nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa BMW Open.
Hataw ang 20-anyos na si Zverev ng walong ace at tumipa ng tatlo sa walong break point para makopo ang ikatlong career win.
Nalusaw ang mithiin ng 158th-ranked na si Pella na maging unang qualifier na magwagi ng Munich title mula nang magawa ni Martin Klizan noong 2014. Ito ang ikalawang ATP Tour final ni Pella matapos mabigoi kay Pablo Cuevas sa Rio de Janeiro.
“Sad that I didn’t win today but I played against a great player, a great champion,” pahayag ni Pella.
Nabigo ang third-seeded na si Zverev,kampeon sa St. Petersburg sa nakalipas na taon at Montpellien nitong Pebrero, sa natatanging final appearance sa Germany kontra sa kababayang si Florian Mayer sa Halle sa nakalipas na taon.
“I really wanted to win a tournament in Germany, which I’ve done now and I’m very happy about it. Obviously my first title on clay as well. It’s a great feeling right now,” pahayag ni Zverev.