KABUL (Reuters) – Nasawi ang pinuno ng Islamic State sa Afghanistan na si Abdul Hasib sa isang operasyon noong Abril 27 ng pinagsanib na puwersa ng mga sundalong Afghan at U.S. Special Forces sa silangang probinsiya ng Nangarhar, inihayag ng mga opisyal nitong Linggo.
Si Hasib, itinalaga noong nakaraang taon matapos masawi ang sinundan nitong si Hafiz Saeed Khan sa drone strike ng U.S., ang pinaniniwalaang nag-utos sa serye ng madudugong pag-atake kabilang na ang nangyari noong Marso 8 sa isang military hospital sa Kabul, saad sa pahayag.
Noong nakaraang taon, sinabi ng isang tagapagsalita ng Pentagon na si Hasib ay posibleng nautas sa raid ng U.S. at Afghan special forces sa Nangarhar kung saan dalawang U.S. army Rangers ang namatay.
“This successful joint operation is another important step in our relentless campaign to defeat ISIS-K in 2017,” sinabi si Gen. John Nicholson, ang mataas na U.S. commander sa Afghanistan, mula sa U.S. military headquarters sa Kabul.