VATICAN (Reuters) – Binatikos ni Pope Francis ang pagtawag ng U.S. military sa pinakamalaking bomba bilang “the Mother of All Bombs”, dahil ang salitang “mother” aniya ay hindi dapat gamitin para tukuyin ang isang nakamamamatay na armas.
Ibinagsak ng U.S. Air Force ang bomba, may opisyal na pangalang GBU-43 Massive Ordnance Air Blast (MOAB), sa mga madirigma ng Islamic State sa silangan ng Afghanistan noong nakaraang buwan. Ang bansag ay ginamit ng karamihan sa mga briefing at pag-uulat tungkol sa pag-atake.
“I was ashamed when I heard the name,” sabi ni Pope Francis sa audience ng mga estudyante nitong Sabado. “A mother gives life and this one gives death, and we call this device a mother. What is happening?”
Ang MOAB ang pinakamalaking non nuclear device na ginamit sa digmaan. Tumitimbang ito ng mahigit 10 kilo, at may isang milya ang laki.