san beda copy

NANGIBABAW ang bangis ng Season 92 NCAA junior finalist San Beda-Rizal Red Cubs at San Beda-Manila Red Kittens sa magkahiwalay na laro nitong Huwebes sa 23rd Fr. Martin Cup Summer Basketball tournament sa San Beda-Manila campus sa Mendiola.

Ratsada si Evan Nelle sa naiskor na 16 puntos, habang tumipa si Liam Barbero at Pedro Alfaro ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod para sandigan ang Red Cubs kontra Emilio Aguinaldo College, 76-71.

Bumida naman si Jharles Uy sa naiskor na 20 puntos sa Red Kittens para magapi ang La Salle Greenhills Greenies, 75-62, sa torneo na suportado ng Armor On Sportswear.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bunsod ng panalo, nakamit ng Red Cubs ang unang panalo sa dalawang laro sa Group A ng junior division, gayundin ang Red Kittens sa Group B.

Sa iba pang laro, ginapi ng Manila Patriotic School ang St. Patrick School, 71-56.

Dinomina naman ng Letran Knights ang bisitang Batang Gilas under-16 national team, 97-72, sa senior division.

Sa women’s match, tinalo ng National University ang College of St. Benilde, 92-37, habang kinalos ng Enderun College ang Far Eastern University, 75-74.

Kumana si Joshua Tagala ng siyam na puntos sa Red Cubs.