paris copy

UNANG napanood si Paris Jackson sa telebisyon – sa Star drama ng Fox – at ngayon ay nakatakda namang mapanood sa kanyang unang pelikula na ididirehe ni Nash Edgerton. Isa itong comedic thriller para sa Amazon na wala pang titulo.

Nakasentro ang pelikula sa negosyanteng si Harold (David Oyelowo), na habang nasa Mexico ay walang kamalay-malay na nasasangkot na sa mga drug lord, international mercenaries at FBI. Tampok din sa pelikula ang kapatid ni Edgerton na si Joel, sina Charlize Theron, Amanda Seyfried, Thandie Newton at Sharlto Copley.

Sina Anthony Tambakis at Matt Stone ang nagsulat ng proyekto, na ipo-produce nina Edgerton at Charlize, kasama sina Rebecca Yeldham, Tambakis, Beth Kono at A.J. Dix.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sinisikap ng anak ng namayapang king of pop na si Michael Jackson na magkaroon ng break sa career sa harap ng camera.

Isang linggo pagkaraang lumagda sa IMG Models, pumirma naman siya sa WME para sa lahat ng larangan.

Pinamamahalaan ng Stiefel Entertainment ang career ni Paris. (Hollywood Reporter)