hotel california [reuters] copy

NAGSAMPA ng kaso ang The Eagles laban sa mga may-ari ng isang hotel sa Mexico na inaakusahan nilang ginagamit nang walang permiso ang pangalang “Hotel California,” ang pinakasikat na awitin ng banda.

Sinabi ng Eagles sa kanilang demanda nitong Lunes ng gabi na aktibong hinihikayat at pinaniniwala ng mga may-ari ng 11-room Todos Santos hotel sa Baja California Sur ang mga bisita na may kaugnayan ang hotel sa banda, upang maibenta ang mga t-shirt at iba pang merchandise, at para magkaroon ng pakiramdam ang mga bisita na sila ay welcome.

Kabilang diumano rito ang pagpapatugtog ng Hotel California at iba pang awitin ng Eagles sa sound system ng hotel, at pagbebenta ng mga t-shirt na tumutukoy sa hotel bilang “legendary,” na ikinalilito ng maraming bisita na nagpo-post ng online review.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Sinabi rin ng Eagles na nag-apply ang defendant na Hotel California Baja LLC sa U.S. Patent and Trademark Office upang irehistro ang pangalang Hotel California

“Defendants lead U.S. consumers to believe that the Todos Santos Hotel is associated with the Eagles and, among other things, served as the inspiration for the lyrics in Hotel California, which is false,” saad sa reklamo.

Sa kasong inihain sa Los Angeles federal court, humihingi ang banda ng damages at ipinatitigil ang anumang infringement.

Ang Todos Santos hotel ay pinangalanang Hotel California nang magbukas noong 1950, ngunit ilang beses na nagpalit ng pangalan bago binili ng mag-asawang Canadian na sina John at Debbie Stewart noong 2001, at ayon sa Eagles ay sinimulang gamitin ang orihinal na pangalan sa marketing.

Ang Hotel California ay isang awitin mula sa album ng Eagles noong 1976 na may kaparehong titulo, at nanalo ng Record of the Year sa 1977 Grammy award.

Kilala ito sa long guitar outro nina Don Felder at Joe Walsh, at complex lyrics na inaawit ni Don Henley.

Sa panayam ng CBS News noong nakaraang taon, sinabi ni Henley na ang awitin ay tungkol sa “journey from innocence to experience. It’s not really about California; it’s about America.” (Reuters)