Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- NLEX vs Blackwater

7 n.g. -- Meralco vs Phoenix

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

MAKALIPAS ang halos isang linggong break dahil sa idinaos na PBA All-Stars, magpapatuloy ngayon ang aksiyon sa 2017 PBA Commissioners Cup.

Magtatangkang panatilihing buhay ang pag-asa nilang umusad sa playoff sa pagsalang ng Phoenix kontra sa isa sa mga namumunong Meralco sa tampok na laro ngayong gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Nasa ikawalong puwesto ang Fuel Masters na may hawak na barahang 3-4 marka, habang nasa ikalawang posisyon naman ang Bolts sa namumuno at wala pa ring talong San Miguel Beer (5-0) sa hawak nitong barahang 6-1.

Pagkaraan ng 17-araw na break matapos ang ika-anim nilang panalo, 102-91 kontra Blackwater, aabangan kung mapapanatili ng Bolts ang nakuhang momentum sa pagsalang kontra Fuel Masters

“When you’re playing well and you’re winning, the last thing you want is a 17-day break because you have no idea how you’re gonna come out that break,” pahayag ni Bolts coach Norman Black.

Sa panig ng Fuel Masters, magtatangka sila na simulan ang winning streak makaraang makabalik sa winning track sa pamamagitan ng 94-86 panalo kontra Alaska Aces.

Aasahang muli si coach Ariel Vanguardia para pamunuan ang Fuel Masters sina import Jameel McKay na nagposte ng 42 puntos, 22 rebound at tig-2 block at steal sa kanilang tagumpay laban sa Aces. Inaasahan ang matinding tapatan sa pagitan nila ni Bolts import Alex Stephenson.

Sa pambungad na laro, patuloy namang magtatangka ang NLEX na makamit na ang napakailap na unang tagumpay sa pagsabak nila kontra Blackwater ganap na 4:15 ng hapon bago ang tampok na salpukan sa pagitan ng Meralco at Phoenix ganap na 7:00 ng gabi.

Wala pang naipapanalo ang Road Warriors sa pitong laro, habang ang katunggaling Elite ay mayroon pa lamang isang panalo matapos ang pitong laban. (Marivic Awitan)