motor copy

HINDI nakalahok ang beteranong si Glenn Aguilar, ngunit hindi naibsan ang pananabik at pagkamangha ng manonood sa kahusayang ipinamalas ni Rhowell Matias ‘Bornok’ Mangosong IV ng Davao City sa Pro Open ng ikatlong yugto ng Diamond Motor Supercross nitong weekend.

Ratsada ang 25-anyos mula simula hanggang sa pagtatapos ng karera para makopo ang torneo at magbigay ng babala sa mga karibal na hindi madodomina ni Aguilar ang karera sa MX Messiah Fairgrounds sa Taytay, Rizal.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi nakalahok si Aguilar ng KTM Racing bunsod nang naunang pangako na sumabak sa torneo sa Motorismo sa lalawigan ng Quirino.

Ngunit, hindi lang ang pambato ng Yamaha at Team Unstoppable Athletes Mindanao ang kumuha ng atensyon kundi ang magkapatid na Quiana at Wenson Reyes na namayani sa kani-kanilang kategorya.

Nakopo ni Quiana, 12, ang titulo ng DC Shoes ladies class samantalang dominante ni Wenson ,7, ang Kids 65cc at 85cc.

Itinataguyod ng Diamond Motors Corporation, ang karera ay suportado rin ng Dunlop Tires, Dickies, Tireshakk, Yamaha Motor Philippines, Go Pro Philippines, PTT Philippines Corporation, DC Shoes, Coffee Grounds at Xtreme Adrenaline Sports Entertainment Co.

Narito ang kumpletong resulta:

PTT PRO OPEN PRODUCTION:

1. Bornok Mangosong.2. JC Rellosa 3.Jherick Mitra 4. Ralph Ramento 5. Gelo Leonardo;

EXECUTIVE CLASS:

1.Jojo Sayas 2. Clite Mercado 3. Darnel Francisco 4. Jerry Sumilabad 5. Dennis Mariano;

VETERANS CLASS:

1. Jing Leongson 2. RJ De Leon 3.Jake Ceredon 4.Jason Serrano 5.Begie Bucag;

AMATEUR OPEN PRODUCTION:

1. Christian Yap 2. Meynard Mendoza 3.Anaki Antonio 4.Lad Bucag 5. Begie Bucag;

OPEN LOCAL ENDURO:

1.Jolee Mendoza 2. Steven Cayetano 3. Alexer Mapa 4. Allan Palma5. Francis John Bautista;

OPEN UNDERBONE:

1. JR Tulawie 2. Benjo Leyva 3. Rodolfo Eufrancio 4. Amay Amon 5. Justin de Leon;

Yamaha PW50 (Age 4-6); Matt Brian Leyva 2. Joshua Tamayo 3. Caleb Tamayo; YAMAHA PW50 (Age 9-below):

1.Christopher Mercado 2. Dawn Marzo 3. Steven Leyva4. Matt Brian Leyva 5.Joshua Tamayo;

KIDS 50CC:

1. Christopher Mercado 2.Dawn Marzo 3. Prince Bucag 4. Steven Leyva5.

Yuki Tamayo; KIDS 65CC:

1. Wenson Reyes 2. Nathaniel Morales 3. Ash Tamayo 4. Jhethro Tamayo 5. Khim Nicole Yumul;

85CC 1. Wenson Reyes 2. Ron Mangosong 3. Christopher Pagbilao 4.Quiana Reyes;

Ladies Class:

1. Quiana Reyes 2.Jasmine Jao 3. 3. Khim Nicole Yumul 4. Shia Arille del Rosario.