PATULOY ang pagtanggap ng mga lahok para sa 2017 World Pitmasters Cup 2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby sa Mayo 14-20 sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila.

Sa kasalukuyan, kompirmado na ang foreign entry nina Butch Cambra (Hawaii), Peter Elm (Guam), Christian Staskow & Chris Castillo (Hawaii); Phil Snead (Tennessee); Kelly Everly (Kentucky) at kabahagi ng kasalukuyang kampiyon na si Bruce Brown.

Maliba sa P15M na garantisadong premyo, isang bagong Strada GL 4x2 M/T pick-up truck ang makakamit ng handler ng magkakampiyon na lahok. Ang entry fee ay P88,000, samantalang ang minimum bet ay P55,000.

Handog nila Charlie "Atong" Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea ang pangadigdigan labanan na ito ay inaasistehan ni Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa kapahintulutan ng Games & Amusements Board, ang makasaysayang labanan ng mga tinale ay itintaguyod ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Lahat ng sasali ay bibigyan ng libreng hotel room at parking slot sa mga araw ng laban at commemorative trophy na desenyo ni Castrillo mula naman sa Thunderbird Bexan XP.

Ang 2017 World Pitmasters Cup2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby ay magsisimula sa Linggo -Mayo 14 para sa unang set ng 2-cock elims at susundan ng isa pang 2-cock elims sa Lunes – Mayo 15.