Ni NORA CALDERON

Maine Mendoza
Maine Mendoza
SUNUD-SUNOD uli ang trabaho ni Maine Mendoza pagkabalik nila ni Alden Richards mula sa concerts nila sa Los Angeles, California at New York.

Pag-uwi nila ng ‘Pinas, tuluy-tuloy na ang maghapong taping nila three times a week ng Destined To Be Yours at sa free days, photo shoots naman at taping ng kanilang TV commercials.

Kaya sa interview ni Lhar Santiago sa post-birthday celebration ni Maine sa The Tent ng Manila Hotel (para sa “Chika Minute” ng 24 Oras), natanong ang dalaga kung ano ang susunod nilang project ni Alden pagkatapos ng teleserye.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Gagawa po kami ng bagong movie ni Alden,” sagot ni Maine. “Pero gusto ko po munang magbakasyon, isang dream vacation sa akin. Mahilig ako sa beach, kaya gusto ko namang mag-beach this time.”

Last year, pagkatapos ng kanyang birthday, pumunta sila ng ilang staff ng Eat Bulaga sa Boracay. Matatandaang sinorpresa siya roon ni Alden, nang mag-hire ito ng private plane para masamahan siya at i-enjoy ang parasailing at iba pang water sports.

“Gusto ko pong pumunta ng Maldives, matagal ko nang gustong marating iyon, at this time, siguro ay matutuloy na ako.”

Sino ang kasama niya sa Maldives?

“Gusto ko pong kasama mga loves ko.”

Tanong ni Lhar, kasama ba sa loves niya si Alden?

Isang matamis na ngiti lang ang sagot ni Maine.

Sino ang wild guess ninyo, AlDub Nation?

Samantala, kalalabas lang ng bagong issue ng isang glossy magazine na solo cover si Maine. Tinanong pa nga si Alden sa party kung ano ang masasabi niya sa cover ng magazine, at ang kanyang sagot: “Ganu’n ka ba matulog, iyon ang pantulog mo? She’s hot, so hot.”