CEBU CITY – Hindi pinahiya ni Mark 'Magnifico' Magsayo (16-0-0, 12KOs) ang mga kababayan sa dominanteng first round TKO win kontra Issa Nampepeche (24-8-4, 11KOs) ng Tanzania sa 10-round undercard ng Pinoy Pride nitong Sabado sa Waterfront Hotel & Casino dito.

Tinamaan ni Magsayo ang solid left cross si Nampepeche na nagpangalog sa mga tuhod ng Tanzanian rival may 2:05 ang nalalabi sa first round.

Humirit din ang Pinoy na si Jeo 'Santino' Santisima (13-2-0, 11KOs) kontra Master Suro (11-9-1, 2KOs) ng Indonesia para sa unanimous decision win.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA