BARCELONA, Spain (AP) — Ginulantang ni Dominic Thiem si top-ranked Andy Murray, 6-2, 3-6, 6-4, nitong Sabado (Linggo sa Manila) para maisaayos ang championship match kontra defending champion Rafael Nadal sa Barcelona Open.
Naunang nakausad sa finals si Nadal nang pabagsakin si Horacio Zeballos ng Argentina 6-3, 6-4 sa mahanging kundisyon sa Real Club de Tenis.Dagok ky Murray ang kabiguan matapos maagang mapatalsik sa Monte Carlo Masters may isang linggo lamang ang nakalilipas.
“I got three matches in three days against all different players,” pahayag ni Murray. “Feli (Felicano Lopez) uses a lot of slice and variation, (Albert) Ramos-(Vinolas) yesterday is a lefty and today against Dominic, who plays with the kick serve and so much spin. To play two hours today after three yesterday, will be good for me,” aniya.
Para kay Nadal, target ng ika-10 titulo rito, hindi nakagugulat ang panalo ni Thiem kay Murray. At maging siya, ay may alalahanin sa laban.
“Thiem is a specialist on clay, one of the best in the world,” pahayag ni Nadal. “It will be a tough match for me, but I am just happy to be back in the final.”
Pinananabikan naman ni Thiem ang pagkakataong makaharap si Nadal.
“He’s the No. 1 in the world, so you have to find something in between playing aggressive and not making mistakes. I was the luckiest in the end,” pahayag ni Thiem.