Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga employer na istriktong ipatupad ang holiday pay rules para sa mga magtatrabaho bukas, Labor Day, na isang regular holiday.

Ayon sa DoLE, kung hindi papasok sa Labor Day, ang empleyado ay babayaran ng 100% ng kanyang suweldo sa araw na iyon, at 200% naman kung magtatrabaho sa unang walong oras bukas.

Kung sosobra sa oras, babayaran ang kawani ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate, at kung nataon sa rest day, may karagdagang pa siyang 30%. (Leslie Ann G. Aquino)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador