Marlon at Pia copy

WALANG nagbago at in love pa rin sa isa’t isa ang F1 Filipino-Swiss driver na si Marlon Stockinger at si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kabila ng mga ulat na mayroon nang kambal na anak ang professional racer. 

Malinaw ito sa ipinost ni Marlon na litrato nila ni Pia sa Instagram na may caption na, “Nothing’s changed.”

Noong Marso, ibinunyag ng fashion model at fitness enthusiast na si Kit Barraquias na si Marlon ang ama ng kanyang kambal na babae.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naglabasan simula noon ang mga hindi nakumpirmang ulat na naghiwalay sina Pia at Marlon at in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram. 

Ngunit nang siyasatin ang kani-kanilang social media accounts, nakitang patuloy pa rin nilang sinusundan ang isa’t isa.

Noong Holy Week, magkalayo ang magkasintahan batay sa kanilang IG accounts. Lumipad si Pia sa New York habang nasa Switzerland naman si Marlon.

Kinumpirma ni Kit sa exclusive interview ng PEP noong Marso 29 na nagkaanak sila ni Marlon.

“We had twins. He’s the biological dad. I don’t wanna say he’s the dad… just the biological dad. And that’s it. We haven’t had any communication. He hasn’t seen the girls ever,” sabi ng modelo.

Lumutang ang tsismis sa pagkakaroon ng anak ni Marlon noong unang bahagi ng Marso.

“Are you sure it’s the same Marlon?” reaksiyon ni Pia nang makapanayam ng Tonight With Boy Abunda sa ABS-CBN. “I don’t know anything about that. With these things, people would have to be very careful what they say also because if it turns out to be not true, then the credibility of the media could be (affected). We just have to check the facts first.” Wala pang reaksiyon si Pia sa rebelasyon ni Kit.

Ilang araw bago pumutok ang balita tungkol sa kambal na anak ni Marlon, hiniling ng race driver kay Pia na maging girlfriend niya ito sa programang Gandang Gabi Vice ng ABS-CBN.

“I’d like to ask you if you want to be my girlfriend, officially tonight,” sabi ni Marlon kay Pia noong Abril 2.

Sumagot naman si Pia ng: “Yes!” (ROBERT R. REQUINTINA)