Benj at Rich copy

TWO years nang boyfriend ng actress na si Rich Asuncion ang member ng Philippine Volcanoes na si Benjamin Mudie.

Hindi inilihim ni Rich sa publiko ang kanilang relasyon dahil, sabi nga niya, mahal talaga niya si Benj. 

Minsang tinanong namin si Rich sa set ng Ika-6 Na Utos kung hindi pa ba nila napag-uusapan ang kasal.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Napag-uusapan na po namin, pero wala pang seryosong plano,” sagot ni Rich. “May mga plano pa kaming itatayong business na pagsasamahan naming dalawa at busy naman ako sa aking afternoon prime drama series. Sabihin na nating naghihintay lang ako ng marriage proposal niya,” pabirong sabi pa ng dalaga.

Nagkatotoo na ang biro, dahil sa location ng taping ng Ika-6 Na Utos last Wednesday, nagulat si Rich nang dumating si Benj. Sa gitna ng set nila, biglang lumuhod sa harap niya ang binata. 

Napaiyak sa tuwa si Rich at aniya sa kanyang post sa Instagram: “Hands down to my man who pulled this proposal off oh so perfectly. So surprised when I saw him down on one knee in the middle of a scene, the answer is YES!!! P.S. Thanks to the whole production of #ika6NaUtos especially to Ate @m­_sunshinedizon for helping Ben.”

Nagsunud-sunod na ang likes and at mga pagbati kay Rich ng friends at co-actors niya sa GMA Network like Ryza Cenon, Glaiza de Castro, LJ Reyes and of course si Sunshine Dizon.

Siguro, sa susunod na pagbisita namin sa set ng Ika-6 Na Utos, malalaman na namin kung kailan at saan ang kasal. 

Congratulations, Rich and Benj! (NORA CALDERON)