KUNG noon ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang nagsimula sa pag-okupa sa mga pabahay sa Pandi, Bulacan na nakalaan para sa mga kawal at pulis, ngayon naman ang mga miyembro ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang umokupa sa may 500 ektarya ng lupain sa Hacienda Luisita sa Tarlac. Ang Kadamay at KMP ay parehong kabilang sa tinatawag na “nasa laylayan ng lipunan.” Sila ay sympathizers ng CPP-NPA-NDF.

Nang dahil sa pag-ibig (o libog sabi ng isang texter?), nakipagrelasyon si Sen. Leila de Lima sa kanyang bodyguard-driver na si Ronnie Dayan. Binalewala ni De5 ang pagiging Kalihim ng Department of Justice (DoJ) at pagiging abugada nang dahil sa “pagkabuang” sa high school graduate na driver-lover. Matigas yata si Dayan at bata pa.

Nang dahil din sa pag-ibig (o libog din?), si PNP Supt. Maria Cristina Nobleza ay nakipagrelasyon sa isang Abu Sayyaf bomb maker, kay Reener Lou Dungon. Si Nobleza ay 49-anyos na at si Dungon ay 25-anyos lamang. Si Nobleza ay dating miyembro ng Special Police Anti-Crime unit at ngayon ay deputy regional director ng PNP Crime Laboratory sa Davao City.

Sabi ni Gen. Bato: “Nagkaibigan sila. Sa kung ano ‘yung ginagawa niya hindi na ‘yun sanctioned ng PNP.” Eh, bakit nang si Sen. De Lima ay nakipagrelasyon kay Dayan, inusisa at pinagpiyestahan ng Kamara sa pagdinig nito ang “personal affair” niya sa driver-lover? Dagdag ni Bato: “’Yun ang sinasabi namin sa Bisaya na nabuang sa gugma (pag-ibig)--- yung naloko sa pag-ibig ba. Dahil sa pagmamahal niya doon sa lalaki na Abu Sayyaf, nagpagamit siya.”

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Pag-amin nga noon ni De Lima sa panayam ni Manang Winnie (Bawal ang Pasaway) hinggil sa relasyon niya kay Dayan:

“Woman’s frailties” o kahinaaan ng isang babae. Tula ni Balagtas: “Oh, pag-ibig na makapangyarihan, kapag nasok sa puso ninuman, hahamaking lahat masunod ka lamang.”

Kinondena ng Malacañang ang pagpugot sa isang Tausog soldier (Staff Sgt. Anni Jani Siraji) ng bandidong Abu Sayyaf Group. Inilarawan ni Presidential spokesman ang pagpugot bilang isang “barbaric act.” Hindi raw titigil ang AFP sa pagtugis sa mga tulisan para papanagutin.

Samantala, suportado ni Sen. Panfilo Lacson ang kampanya ng Duterte administration laban sa ASG. Sinabi niya na dapat pulbusin ng military ang bandidong grupo. Tanong: ‘Di ba’t sabi ng AFP na 400 lang ang kasapi ng ASG, eh bakit hanggang ngayon ay hindi ito mapuksa gayong ang AFP ay may 150,000 tauhan? Eh, bakit nga kaya? Pera-pera rin kaya ito?