Kinontra ng prosekusyon ang mosyon ni dating Vice-President Jejomar Binay na baguhin ang mga kondisyon sa conditional arraignment nito sa Sandiganbayan sa kasong graft at falsification of public document kaugnay sa umano’y maanomalyang kontrata para sa disenyo ng Makati City Hall building II project noong 2007 hanggang 2011.

Hiniling ng Office of the Special Prosecutor (OSP) ng Office of the Ombudsman sa 3rd Division ng anti-graft court na ibasura ang ‘motion to amend the court’s standard conditions’ na nakaaapekto sa iniharap na motion to travel ni Binay.

Naghain ng apela si Binay kaugnay sa kahilingan nitong makabiyahe sa Israel sa Mayo 15-29 para sa religious pilgrimage.

Ayon sa Sandiganbayan, kinakailangan munang isailalim si Binay sa conditional arraignment upang hindi mawalan ng hurisdiksiyon ang korte sa kanya habang nasa labas siya ng bansa. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji