CARLO AT COCO copy

SA Instagram in-announce ng Dreamscape Ad-Prom head na si Eric John Salut last Tuesday na ipinagkaloob ng King of Philippine Comics na si Carlo J. Caparas ang rights para sa panibagong pagsasadula sa pelikula ng isa sa mga pinakasikat nitong obra-maestra, Ang Panday.

“WOW!!! This good news! Comics King & director Carlo J. Caparas granted the King of Television and Cinema @mr.cocomartin the rights of the movie Panday, which @mr.cocomartin will topbill and direct, and pitch as an entry to the upcoming Metro Manila Film Festival 2017.”

Malinaw na bukod sa bida, si Coco rin ang magiging direktor ng Ang Panday. Matagal nang pinapangarap ni Coco na maging direktor ng pelikula.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang yumaong King of Philippine movie na si Fernando Poe, Jr. (FPJ) o Da King ang orihinal na gumanap bilang panday na naging franchise at palaging blockbuster.

Ang kasalukuyang top-rating seryeng Ang Probinsyano ni Coco na in-extend ng ABS-CBN hanggang sa 2018 ay pinagbidahan din ni FPJ. (ADOR SALUTA)