Ni Francis T. Wakefield

Tiniyak kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Eduardo Año na walang matataas na opisyal sa militar na nakikipagsabwatan sa teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).

Ito ang sinabi ni Año kasunod ng pagkakabunyag sa isang babaeng police colonel na naaresto sa Bohol dahil umano sa pakikipagsabwatan sa ASG.

Paliwanag ni Año, may umiiral na sistema ng background investigation sa mga opisyal ng militar na nasa sensitibong posisyon at unit.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“You have to undergo partial background investigation and full background investigation depending on the positions you are holding, tuloy-tuloy ‘yun,” sabi ni Año.

Naniniwala rin si Año na posibleng pumalpak ang Philippine National Police (PNP) sa pagsasagawa ng background check sa mga tauhan nito.

“Baka doon lang nagkaroon ng lapses ang PNP, but there is an existing system for that. So, we have, we don’t have to do loyalty check,” sabi pa ni Año.

Sabado nang maaresto si Supt. Maria Christina Nobleza kasama ang umano’y nobyo niyang ASG member na si Reenor Lou Dungon matapos magtangkang tumakas sa isang checkpoint sa Barangay Clarin, Bohol.

Namataang inihagis ni Nobleza ang isang mobile phone, na natunton, at ayon sa source ng Balita ay sinisikap ng mga suspek na makausap ang mga natitirang miyembro ng ASG sa Bohol.