Nakatakdang magtayo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga monitoring station sa EDSA at sa iba pang pangunahing kalsada upang mas maging madali ang paghuli sa mga “colorum” na sasakyan sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA officer-in-charge Tim Orbos, kakabitan ng closed-circuit television (CCTV) camera ang mga istasyon para maplakahan ang mga dumaraang sasakyan.

“We will compared the license number with the records of the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) and Land Transportation Office (LTO),” pahayag ni Orbos.

Ito ay parte ng intelligence system ng MMDA upang matukoy ang bilang ng mga hindi rehistradong pampasaherong bus na bumabagtas sa EDSA, Commonwealth Avenue at iba pang lugar.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“We will have constant monitoring or surveillance, verify them at the LTO, LTFRB. All buses that are not included in the list will be apprehended,” ayon pa kay Orbos.

Idinagdag ni Orbos na hindi dapat pakalat-kalat sa Metro Manila ang mga colorum na sasakyan.

“Colorum PUVs are not covered by insurance coverage, passengers are facing greater risks in case of accidents,” dagdag niya. (Anna Liza Villas-Alavaren)