Ikinatuwa ng Malacañang ang pagkontra ng ilang kongresista ng Liberal Party (LP) sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, magiging “counterproductive” ang anumang hakbang para patalsikin si Duterte, partikular sa ekonomiya ng bansa na itinuturing na ‘fastest growing’ sa Southeast Asia.
Nitong Biyernes, naglabas ng pahayag si House Deputy Speaker Miro Quimbo na hindi kakatigan ng 15 mambabatas ng LP ang impeachment complaint laban sa Pangulo gayundin ang nakaumang reklamo laban naman kay Vice President Leni Robredo dahil magdudulot lamang ito ng pagkakawatak-watak ng bansa at makakaabala sa pagtatalakay sa mahahalagang usapin at prayoridad ng Mababang Kapulungan. (Beth Camia)