Derrick and Bea 7 (1) copy copy

NGAYONG gabi na masasaksihan ang pagwawakas ng Tsuperhero, ang paboritong Pinoy superhero comedy adventure ng Kapuso viewers.

Malalaman na sa wakas nina Aling Martha (Alma Moreno), Mang Polding (Valentin) at ng mga kapwa driver ni Nonoy (Derrick Monasterio) na siya ang idol nilang si Tsuperhero na tumutulong sa kanila.

Pero dahil kay Sgt. Cruz (Gabby Concepcion), napagkaisahan ng lahat na ilihim ang totoong pagkatao ni Tsuperhero.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Samantala, tuloy ang plano nina Nonoy at Eva (Bea Binene) na magpapakasal. Pinag-aawayan pa ng mga kaibigan ni Nonoy kung sino sa kanila ang dapat maging best man. Matuloy kaya ang planong kasal nila?

Makakasama sa episode na ito sina Andre Paras, Valeen Montenegro, Michael Angelo, at Nonong “Bangky” Andres.

Mapapanood ang finale ng Tsuperhero pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA.