Malaking tulong sa mga naghahanap ng trabaho na alamin ang nangungunang bakanteng trabaho na inilabas ng PhilJobNet, ang internet-based job at applicant matching system ng Department of Labor and Employment (DoLE), ngayong linggo.
Base sa weekly update ng PhilJobNet na pinamamahalaan ng DoLE – Bureau of Local Employment (BLE) ang nangungunang bakanteng trabaho ay ang sumusunod: Call Center Agent - 1,698, Staff Nurse – 899, Beauty Consultant – 610, Salesman – 402, Customer Service Assistant – 342, Food Server – 339, Market Salesperson – 330, Bank Teller – 300, at Real Estate Salesperson – 300.
Ang iba pang trabaho na maaaring pasukin ay ang Promo Salesperson – 270, Sales Clerk – 265, Delivery Driver – 265, Bagger – 230, Product Machine Operator – 214, Stall Salesperon – 200, Merchandiser – 195, Finishing Carpenter – 189, at Service Crew – 187.
Ang PhilJobNet ay isa sa mga pasilidad ng Labor department na naglalayon na malaman ang trabahong maaaring pasukan at mga kumpanyang nangangailangan ng empleyado.
Para sa karagdagang impormasyon sa mga bakanteng trabaho, maaaring mag-log on sa http://philjobnet.gov.ph/ o bumisita sa Bureau of Local Employment sa 6th Floor, BF Condominium cor. Solana & Soriano St., Intramuros Manila.
Maaari ring tumawag sa PhilJobNet Hotline sa (632) 527-2543 Fax: (632) 527-2421. (Leslie Ann G. Aquino)