OKLAHOMA CITY (AP) — Naitala ni Russell Westbrook ang ikalawang sunod na triple-double sa first round playoff, sapat para maungusan ng Thunder ang Houston Rockets sa Game 3 ng kanilang Western Conference match-up nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Hataw si Westbrook, kandidato sa MVP award, sa naiskor na 32 puntos, 13 rebound at 11 assists para sandigan ang Thunder at idikit ang best-of-seven series sa 2-1.

Nanguna si James Harden, mahigpit na karibal ni Westbrook sa MVP title, sa nakubrang 44 puntos, ngunit naimintis ang three-pointer sa buzzer na nagpanalo sana sa Houston.

CELTICS 104, BULLS 87

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa Chicago, nakaiwas din ang Boston Celtics sa 0-3 pagkabaon sa hukay nang gapiin ang Bulls sa Game 3 ng kanilang Eastern Conference first round playoff.

Ratsada si Al Horford sa natipang 18 puntos at walong rebound, habang kumubra si Isaiah Thomas ng 16 puntos para bigyan ng katatagan ang top-seeded Boston na dalawang ulit na tinalo ng Chicago sa Garden.

Host pa rin ang Bulls sa Game 4 sa Linggo (Lunes sa Manila).

Nagsalansan si Dwyane Wade ng 18 puntos at tumipa si Jimmy Butler ng 14 puntos.

CLIPPERS 111, JAZZ 106

Sa Salt Lake City, nakuha ng Los Angeles Clippers ang 2-1 bentahe nang gapiin ang Utah Jazz.

Kumubra si Chris Paul ng 34 puntos para sandigan ang Clippers.