Nasawi sa pagkalunod ang isang ‘di pa nakikilalang lalaki na naisipang mag-night swimming sa Manila Bay, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Manila Police District (MPD)-Station 2 chief Police Supt. Anthony Thomas Ibay, patuloy nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktimang inilarawang nasa edad 30-35, nasa 5’5” ang taas, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng asul na t-shirt at itim na shorts.

Sa imbestigasyon ni PO2 Leo Afable, may hawak ng kaso, napag-alaman na huling nakitang buhay ang biktima na lumalangoy sa Manila Bay, dakong 12:00 ng hatinggabi.

Gayunman, pagsapit ng 2:35 ng madaling araw ay namataan nang palutang-lutang ang bangkay ng biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tinangka pa umanong i-revive ang biktima ngunit patay na ito at ini-report sa Delpan Police Community Precinct (PCP).

(Mary Ann Santiago)