MAPAPASABAK ang pambatong Pinoy sa mixed martial arts [MMA]na si Carlos ‘Bad Boy’ Baduria kontra dambuhalang dayuhang si Mansa Musa Conteh sa pinakakaabangang engkwentrong main event ng Battle Extreme Tournament of Superstars [B.E.T.S.]bukas sa Casino Filipino Pavilion sa Ermita, Manila.

Ang bakbakan ay Part 2 ng matagumpay na buwenamanong B.E.T.S. 1 ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corporation[PAGCOR] AVP for sports and entertainment Jimmy Bondoc.

Tatampukan ang fight card ng mga tanyag na MMA fighters sa bansa at mga dayuhan. Nasa pangangasiwa ang laban ng Universal Reality Combat Championship sa pamumuno ni founder/president Alvin Aguilar.

Ang 6’3” na si Conteh[2-1-0] ang pumalit sa orihinal na makakatapat ni Baduria [Elorde MMA] na si Askar Mozharov ng Ukraine na umatras sa nakatakda na sanang eksplosibong duwelo na inaasahang magbibigay ng malaking hamon sa beteranong Pinoy MMA titlist.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“With the outcome of the first part of BETS ,we realized how far the MMA has come to the consciousness of local fight fans and how entertaining it is for our patrons and guests to witness a live action-packed event .For this reason we didn’t think twice about it holding again at CF Pavilion for them to enjoy,” pahayag ni Bondoc.

Magku-krus din ng landas sa co-main event ng B.E.T.S. 2 sina Jiar ‘Twister’ Castillo ng Hitman MMA kontra Alvin ‘Kastigo’ Ramirez ng Yaw Yan Buhawi.Kabilang sa featured matches sina Sam Bicaldo ng Top Gym laban kay Ivan Rodley Victorio ng Yaw Yan Olongapo,Bryle Osaraga ng Cage Dipolog kontra Dave Bangguigui ng Fight Corps,Lucky Mareo [Fight Corps MMA ] vs Mark Bernard Navarro ng Team Fight Republic,Don Tagalog vs Jet Hermida Miguel Gomez laban kay Min Hoo Kim ng Top Gym,Donald Adam vs Ariel Lampacan at Dunlee Stewart ng Team Gapo kontraJohn Adajar.

Para sa ibang detalye tumawag sa Pagcor Entertainment Department sa (02 )7082046, (02) 526 0337 Pagcor Marketing Dept. local 2401-2403.