_Valeen copy

SA wakas, the long wait is over! Ipinakilala na kasi ang isa pa sa mga bagong karakter sa Encantadia.

Hindi palangiting Valeen Montenegro ang napanood sa Encantadia last week dahil siya ang gumaganap sa bagong karakter ng GMA series na si Bathalumang Haliya. 

Si Haliya ang bathaluman ng dalawang buwan na inaasahan nina Cassiopeia (Solenn Heussaff) at Emre (Zoren Legaspi) na tutulong sa kanila.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Marami ang natuwa nang malaman na ang Kapuso actress ang napili upang gumanap nito. Ayon sa feedback, maganda ang pagkaka-portray ng dalaga sa nasabing role dahil bumagay ang aura at ganda niya. 

Lalo pang naging kaabang-abang ang mga susunod na magaganap sa Kapuso telefantasya. Palaisipan sa Encantadiks kung sino talaga ang makakatulong sa mga diwata para sugpuin ang mga Etherian at palayain ang Devas. Exciting na naman ang weeknights!