Laro Ngayon

(San Juan Arena0

2 n.h. -- FEU vs UST

MAGTUTUOS ang Far Eastern University at University of Santo Tomas para sa karapatang umusad sa ikalawang stepladder semifinals match ngayon sa UAAP Season 79 men’s volleyball semifinals sa San Juan Arena.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ganap na 2:00 ng hapon ang knockout match ng Tamaraws at Tigers para sa pagkakataong makasagupa ang second seed National University na may bentaheng twice -to-beat sa ikalawang stepladder match.

Kung pagbabatayan ang kanilang head-to head match sa elimination, nakalalamang ang Tamaraws, 2-0.

Ngunit, ngayong nakataya ang tsansa nilang pumasok ng finals, tiyak na matutunghayan ang isang maigting na labanan.

“Napakalaking tama sa puso ng mga bata (making it to the Final Four). Yung paghihirap namin last year, kulang pa.

Kung makikita mo sila ngayon, iba na ang effort nila,” pahayag ni Tamaraws coach Rey Diaz.

Sa kabilang dako, sisikapin naman ng UST na hindi masayang ang kanilang muling pagpasok ng semifinals matapos mabigo noong isang taon. (Marivic Awitan)