Diego copy

HINDI raw maipaliwanag ni Diego Loyzaga ang kasiyahang nararamdaman nang mabigyan siya ng masasabi niyang first major role sa telebisyon. 

Si Diego ang isa sa mga bida ng isa sa pinakabagong serye kasama sina Sofia Andres, Beauty Gonzales, Joem Bascon, Bianca King, Enzo Pineda at si Raymond Bagatsing. 

Ani Diego, nang unang iparating sa kanya na isa siya sa magiging bida sa serye ay nagkuwento agad siya sa mga kapatid niya sa ama sa kanyang Tita Sunshine Cruz. 

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“‘Yun bang sabihin nila sa ’yo na hindi ka na pang-support, pangbida ka na, ang hirap ipaliwanag. Kumbaga, doon pa lang parang ‘yung feeling na maririnig mo ‘yun, eh, parang ang hirap i-express. Sobrang saya siyempre,” sey ni Diego. 

May mga intrigang lumabas noon na kesyo hindi pang-actor si Diego pero dahil sa gagawing serye, pakiramdam ng anak ni Teresa Loyzaga ay mas dapat niyang paghusayan ang gagampanan niyang role. 

“Sa akin kasi, ‘yung feeling na napansin ka rin na parang nag-e-effort ka na gawin ang role mo at binigyan ka ng oportunidad at pagkakatiwalaan ka ng mga bosses ng ABS_CBN, it’s definitely a dream come true bilang artista,” banggit pa ni Diego. 

“I’m just so thankful, grateful and I love ABS-CBN, I’m just happy and there’s no words,” sambit pa ng bagets.

Aminado si Diego na medyo hirap siyang magsalita ng diretsong Tagalog. Pero in time ay magagawa raw niya ito sa tulong ng mga nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.

“Siyempre, talagang pinipilit ko lang mag-Tagalog lagi at may rule na kami sa set na walang p’wedeng kumakausap sa akin ng English, dapat puro Tagalog lang talaga,” napatawang sambit pa ng batang actor. (JIMI ESCALA)