Maraming Pilipino ang hindi pabor sa “no-el” (no-election) o muling ipagpaliban ang barangay elections na itinakda sa Oktubre 23, base sa informal survey ng opisyal ng Commission on Elections (Comelec).

Sa nasabing survey, karamihan sa mga respondent, o 72 porsiyento, ang sumagot ng “No” sa tanong kung pabor ba silang ipagpaliban ang 2017 Barangay Elections.

Habang nasa 12% lang ang sumang-ayon na muling ipagpaliban ang halalan.

Sa pamamagitan ng Twitter, ginawa ang survey sa loob ng 24 na oras. Ito ay nagtapos ng 3:00 ng hapon nitong Martes.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ang nasabing survey ay binuo ni Comelec Spokesperson James Jimenez, director ng Education and Information (EID) Department, gamit ang kanyang Twitter account na @jabjimenez.

Gayunman, sinabi ng opisyal na ang Twitter Polls ay hindi gagamitin ng Comelec sa kahit anong paraan.

Una nang sinabi ng Comelec na ipinauubaya na nila sa Kongreso ang desisyon sa usapin. (Leslie Ann G. Aquino)