Arestado ang dalawang college student nang maaktuhang gumagamit ng marijuana sa isang resto bar sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina SJ Sta. Teresa at Ryan Delosata, kapwa 18-anyos at residente ng Chilito Homes, Barangay 177, La Loma, Quezon City.

Sa salaysay sa pulisya ni Ramil Laguyo, head bouncer ng resto bar, nakaamoy siya ng marijuana sa banyo kung saan sabay-sabay na lumabas ang apat na lalaki kahit pang-isahan lamang ito.

Habang kinakapkapan umano ni Laguyo ang mga lalaki ay napansin niyang may tinapong paraphernalia ang isa sa mga suspek dahilan upang tumawag sila ng pulis.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagtangka pang tumakas ang mga suspek at nagkaroon ng habulan hanggang sa naaresto ang dalawa habang nakatakas ang kanilang mga kasama.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 sina Sta. Teresa at Delosata. (Jun Fabon)