MARRAKECH, Morocco (AP) — Nakamit ni Borna Coric ng Croatia ang unang Tour title nitong Linggo (Lunes sa Manila) nang gapiin si German veteran Philipp Kohlschreiber 5-7, 7-6 (3), 7-5 sa Grand Prix Hassan II final.

Naisalba ni Coric, runner-up sa clay-court tournament sa nakalipas na taon, ang 13 ace ng third-seeded na si Kohlschreiber at anim na siyam na break point sa larong tumagal ng dalawang oras at 38 minuto.

Target ng 33-anyos na si Kohlschreiber ang ikawalong career title.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA