Sa kabila ng murang edad ay hindi nagdalawang-isip ang mga pulis na arestuhin ang 17-anyos na lalaki makaraang makuhanan ng baril at umano’y shabu sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Pansamantalang dinala si “Alvin” sa holding area ng Department of Social Welfare and Development (DWD).

Sa report kay Police Sr. Supt. John Chua, hepe ng Navotas Police, bandang 9:40 ng gabi ay nakatanggap ng tawag ang kanilang istasyon mula sa isang concerned citizen at sinabing naaalarma siya sa isang lalaking pakalat-kalat sa lugar na may nakasukbit na baril sa bewang.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-Station 3 sa Block 15, Barangay Longos, Navotas City at nilapitan ang lalaking tugma sa paglalarawan ng caller at saka kinapkapan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod sa cal. 9mm pistol Black Widow at apat na bala, nakuha rin kay Alvin ang isang pakete ng hinihinalang shabu.

(Orly L. Barcala)