MAY pagkakataon ang mga three-on-three basketball enthusiasts na mapabilang sa National U-18 team sa pagsabak sa Under Armour 3x3 Southeast Asia 2017 Tournament legs sa Cebu at Manila.

Nakatakda ang Cebu elimination leg sa Cebu City Sports Club at Ayala Center Cebu sa April 22-23, habang gaganapin ang Manila competition sa Bonifacio Global City sa April 28-30.

Inorganisa sa basbas ng International Basketball Federation (FIBA), ang torneo ay magsisilbing tungtungan ng mga Pinoy hoopsters na nagnanais na makasabak sa sumisikat na torneo, gayundin ang mapabilang sa National team na isasabak sa FIBA 3x3 U18 Asia Cup sa Mayo 26-28 sa Cyberjaya Gem sa Malaysia.

Bukod sa U18 category, bukas din ang torneo sa Open division para sa mga player na may edad 19–50 anyos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang registration deadline ay hanggang ngayong hapon.

May registration fee na 2,750 para sa koponan na may apat na player. Tatanggap ang mga kalahok ng Under Armour tops at bottoms. Bisitahin ang www.ua3x3.com para sa karagdagang impormasyon.