HOUSTON (AP) – Pasintabi sa mga tagahanga ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers. Ang hidwaan ng Houston Rockets at Oklahoma City Thunder ang sentro ng atensiyon sa kasalukuyan.

FILE - In this Dec. 9, 2016, file photo, Houston Rockets guard James Harden (13) is defended by Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook (0) on a drive to the basket during the second half of an NBA basketball game in Oklahoma City. The playoffs start Saturday, with a series matching MVP candidates Russell Westbrook and James Harden the highlight of the first round. (AP Photo/Alonzo Adams, File)Tunay na klasiko ang simula ng NBA postseason dahil sa maagang paghaharap nina Thunder guard Russell Westbrook at Rockets main man James Harden – dalawang nangunguna para sa MVP honor.

Sa pagsisimula ng playoffs, pinaka-aabangan ang hidwaan ng dalawang record-setting guard na dating magkasangga at ngayon ay mahigpit na magkaribal para sa pinakamataas na individual award.

Kapwa nagpamalas ng impresibong numero ang dalawa sa regular season: binasag ni Westbrook ang 55-anyos na record ni Oscar Roberston sa triple-double (42) bilang bagong lider ng Thunder matapos lisanin ni Kevin Durant, habang si Harden ang nangunguna sa assist na siyang dahilan sa matikas na opensa ng Rockets na nagbunga ng NBA record sa three-pointer.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“As great of a season as LeBron (James) and Kawhi (Leonard) have had, the two main guys on the card, the main draw, have been James Harden and Russell Westbrook,” pahayag ni Hall of Famer at TNT analyst Reggie Miller.

“And to have both of those guys go at one another in the first round — former teammates, great friends, the two leading scorers in the Association — from our side ... this is a dream matchup to sit and have a chance to watch.”

Ngunit, ang masakit, isa sa kanila ang tiyak na mawawala sa susunod na round.

Sa kabilang banda, ilang numero rin ang naitala ng iba pang koponan bago ang playoffs, kabilang ang Golden State na nakapagtala ng 67-15 karta – tanging koponan sa liga na nagwagi ng mahigit sa 60 sa tatlong sunod na taon at inaasahang mas malupit ang Warriors pagbabalik ng na-injured na si Kevin Durant.

Malaking katanungan ay sa defending champion Cavaliers. Sa kabila ng matikas na line-up, lungaygay ang Cleveland sa 10-14 sa huling ratsadahan dahilan para maagaw ng Boston Celtincs ang No.1 seeding sa Eastern Conference.

Marami ang naniniwala na muling maghaharap ang Warriors at Cavs sa Finals, ngunit sa ipinakitang kahinaaan ng Cleveland at tila kulang sa liderato ni James, tila nalalagay sa alanganin ang koponan.

“I’m not going into the playoffs thinking that,” pahayag ni Cavs coach Tyronn Lue. “I’m going into it thinking we can win.”