Inaprubahan ng Kamara ang panukalang batas na nagkakaloob sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng “regulatory and supervisory powers” sa payment system sa bansa.
Layunin ng House Bill 5000 na maisulong ang ligtas, episyente at mapagkakatiwalaang operasyon ng sistema ng pagbabayad upang makontrol ang peligro sa sistema at makapagkaloob ng isang kapaligiran na kanais-nais na makabubuti sa paglusog ng ekonomiya. - Bert De Guzman