Adam at Charlie copy

GINUNITA ni Adam Sandler ang kanyang kaibigan at kapwa komedyante na si Charlie Murphy, na pumanaw nitong Miyerkules sanhi ng leukemia.

Lumabas ang Happy Gilmore actor, 50, sa Good Morning America nitong Huwebes at sinimulan ang panayam sa kanya sa pagsasabi na mahal niya ang yumaong kaibigan. “My respect to his family — I’m thinking of all of you,” aniya. “He was the sweetest guy to see and talk to, and we’re all going to miss him very much.”

Dagdag pa ni Sandler, close ang buong comedy community, ngunit isa si Murphy sa pinakamagagaling. “He just stood out.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

You just got so happy seeing Charlie, anywhere you saw him,” ani Sandler. “He was just a good, good person.” 

Pumanaw si Murphy sa edad na 57. Ilang araw bago pumanaw ay sumasailalim siya sa chemotherapy upang lunasan ang kanyang leukemia. Naglabas ng pahayag ang kapatid ni Charlie na si Eddie Murphy at kanyang buong pamilya, anila, “Our hearts are heavy with the loss today of our son, brother, father, uncle and friend Charlie. Charlie filled our family with love and laughter, and there won’t be a day that goes by that his presence will not be missed.”

Marami pang ibang celebrity ang nagbigay ng tribute sa dating bida ng Chappelle’s Show kabilang sina Russell Simmons, Chris Rock, Ice T, Ice Cube, Kevin Hart, George Lopez at Gabrielle Union.

Mayroong tatlong anak si Charlie, sina Xavier at Eva na anak niya sa asawang si Tisha Murphy, na pumanaw noong 2009 dahil sa cervical cancer; at ang kanyang anak sa nauna niyang relasyon. (Us Weekly)