CAMP BANCASI, Butuan City – Dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay habang hindi natukoy na bilang ng iba pang rebelde ang pinaniniwalaang nasugatan sa pakikipagbakbakan sa militar sa Barangay Mahagsay sa San Luis, Agusan del Sur.

Ayon kay Capt. Patrick Joe A. Martinez, tagapagsalita ng Army Northeastern at Northern Mindanao 4th Infantry (Diamond) Division, nasamsam din ng mga operatiba ng 26th Infantry Battallion (26th IB) ang isang CCZ 550 Sniper Rifle, 50 rounds ng M60 machine gun live ammunition, iba’t ibang bala, ilang war materials, 34 na sako ng bigas, 10 backpack ng mga personal na gamit at ilang subersibong dokumento.

Pinaniniwalaang mga kasapi ng guerilla-Front Committee 88 ng NPA Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) ang mga nakaengkuwentro ng militar, ayon kay Capt. Martinez.

Aniya, dakong 3:30 ng hapon nitong Huwebes Santo nang magsimula ang bakbakan, na tumagal ng 30 minuto. - Mike U. Crismundo

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20