Sarado ngayong Biyernes Santo ang ilang kalsada sa Maynila upang bigyang-daan ang Good Friday Processions, gayundin sa Linggo, Easter Sunday, para naman sa “Salubong.”
Sa abisong inilabas ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) kahapon, magkakaroon ng road closures at rerouting scheme, na nagsimula kaninang 1:00 ng madaling araw, para sa prusisyon para sa Itim na Nazareno na magmumula sa Plaza Miranda, dadaan sa Villalobos Street, Palanca St., Quezon Boulevard, Arlegui St., Fraternal St., Vergara St., Duque de Alba St., Castillejos St., Farnacio St., Arlegui St., Nepomuceno St., Tuberias St., Carcer St., Hidalgo St. hanggang sa Plaza del Carmen, Bilibid Viejo St. hanggang sa G. Puyat St., De Guzman St., Hidalgo St., Bautista St., Globo de Oro St., Quezon Boulevard, Palanca St., kanan sa Villalobos St. hanggang sa makabalik sa Plaza Miranda.
Dakong 4:00 ng hapon naman isasara ang northbound lane ng Quezon Boulevard mula Quezon Bridge hanggang Gil Puyat St., upang bigyang-daan ang prusisyon ng Santo Entierro at Mater Dolorosa.
“All vehicles traveling north bound of P. Burgos Avenue and Taft Avenue, intending to utilize the north bound lane of Quezon Boulevard, shall go straight to Mac Arthur and Jones Bridge to their point of destination,” bahagi ng abiso.
(Mary Ann Santiago)